Wednesday, September 15, 2010

BAYAN ni JUAN

Ako ay isa lamang sa milyon milyong sumusuporta sa mga ipinaglalaban ng mga kababayan nating OFW (Overseas Filipino Worker). At isa rin sa libo libong nangangarap na sa ibang bayan ay makapagtrabaho at nagbabakasakaling doon ay umasenso. At para magbigay respeto sa mga bagong bayani ng ating lahi, bukas puso kong sinusuportahan ang PEBA at ang kanilang tema:

"Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan"

Bilang isang pangkaraniwang mamamayan na lumaki at nagkaisip sa lupang tinatawag nilang Bayan ni Juan, namulat ako sa kasabihang "Nasa ibang bayan ang tunay na kaginhawahan".
Ito ang mga katagang paulit ulit kong naririnig nung ako'y nag-aaral pa lamang.
Mga salitang tila ang tanging nais iparating ay wala sa lupang sinilangan ang tunay na kayamanan. Ito ang pananaw ng iilan, ito ang salitang sumasalamin sa nais iparating ng mga taong nangangarap makapunta sa ibang bayan.

Tunay ngang mahirap ang malayo at iwanan ang iyong Bayang kinalakihan, mabigat sa puso at tila may kirot na nadarama ang sinumang aalis para lamang pagsilbihan ang bayan ng mga dayuhan. Lalo na at alam nating lahat na damay dito maging ang relasyon mo sa bawat miyembro ng iyong pamilyang maiiwan. At pagtungtung mo pa sa bayang pagtatrabahuhan ay paniguradong may panibagong hamong nag-aabang.

Paano mo nga ba mapapanatili ang katatagan ng inyong samahan?
Paano mo mas mapagtitibay ang Pamilyang iyong maiiwan?
Paano ka magiging inspirasyon sa bayang iyong kinalakihan?

Ilan lamang ito sa mga hamong kumakatawan sa sinumang nangingibang bayan, at ilan lamang ito sa mga tanong na naglalaro sa isipan ni Juan.

Ang pagkakaroon ng constant communication ang isa sa pinakamabisang paraan para mapanatili ang magandang samahan na kumakatawan sa isang masayang pamilya. Dahil sa makabagong teknolohiya, nagiging posible na ang dati'y imposible, wala ng dahilan para hindi mapagusapan ang mga bagay bagay na hindi pinagkakaunawaan. Mas madali ng nasusuportahan ang bawat myembro ng pamilya na may mabigat na pinagdadaanan.

"Kahit pa nasang sulok ka man ng universe, distance will never been an issue anymore. Infact, mas magiging matatag pa ang inyong pagsasama, dahil sa pamamagitan ng komunikasyon, ang tiwala ng bawat isa ay hindi mawawala bagkus ito ay mas iigting pa."

At kung maririnig lamang ang aking boses, gusto kong magkaroon ng iba't ibang klaseng programang panggobyerno na tumatalakay sa mga kabayanihan ng mga OFW. Malaki ang maitutulong nito sa bawat Pinoy na may isa o higit pang myembro ng pamilya na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng mga programa ay nakasisiguro tayo na may taling magdudugtong sa bawat isa.

Dahil sa saludo ako sa inyo mga kababayang OFW, tanggapin nyo ang simpleng handog ko :-)

OFW: Inspirasyon KA!

Mas minabuti ninyong paglingkuran at pagsilbihan ang ibayong dagat,
Tiniis ang matinding lungkot, hirap at pagkalumbay para sa ikabubuti ng lahat,
Handang isakripisyo at isantabi ang pansariling kaligayahan,
Handang ibuwis ang buhay di lamang sa pamilya kundi para din sa sariling bayang sinilangan.

Umalis kayo sa ating bayan, bitbit lamang ang isang mumunting sisidlan,
Na may kaagapay na pangarap at tapang upang harapin ang bagong kabanatang nagaabang,
Walang sinumang nakakaalam, kung ano ang maaaring kahinatnan,
Ng inyong pakikipagsapalaran at pakikisalamuha sa bayan ng mga dayuhan.

Kayo ang aming mga bagong bayani sa makabagong henerasyon,
Kayo ang dahilan kung bat marami sa amin ang namumuhay na may ngiti at bagong pag-asa na syang nagiging inspirasyon,
Kayo ang simbolo ng tunay na kadakilaan, katatagan at pagka-maka Pilipino,
Kayo ang syang bayani ng inyong pamilya, ating Inang bayan at maging ng buong mundo.

Higit pa sa salapi at kaginhawahan ang inyong naibibigay,
Higit pa sa pagtaas ng ekonomiya at naggagandahang bahay ang inyong nabigyang buhay,
Kaya naman ang tangi naming nais ay kayo ay mabigyang pugay,
Kilalanin ang katatagan at sakripisyong inyong inaalay.

Sa tahanan naguumpisa ang tunay na katatagan ng Bayan,
Sa Pamilya nagmumula ang inspirasyon ng mga nakikipagsapalaran,
Milya milya man ang layo at ilang bagyo man ang inyong pagdaanan,
Alam ko sa sarili ko, iba ang tatag ng bawat Pilipino saan mang sulok ng Mundo!

23 comments:

sikoletlover said...

nice :)

MiDniGHt DriVer said...

Thanks alyn! :-)

Trainer Y said...

tunay na hindi matatawaran ang bawat pagsasakripisyo at pagtitiis ng mga kababayan nating nangingibang bayan para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya. kahanga-hangang katapangan, at walang paghanga ang aking nararamdaman para sa knila. marapat talagang tawagin silang bagong bayani.. :d

bayani sila ng bawat pamilyang kinabibilangan nila...

Trainer Y said...

walang patumanggang paghanga****

sorry naman po.. hehehehe

The Pope said...

Makabuluhan, makatotohanan at may lamang panulat na tumutukoy sa pamilyang OFW.

"Kahit pa nasang sulok ka man ng universe, distance will never been an issue anymore. In fact, mas magiging matatag pa ang inyong pagsasama, dahil sa pamamagitan ng komunikasyon, ang tiwala ng bawat isa ay hindi mawawala bagkus ito ay mas iigting pa."

Salamat sa paglahok sa PEBA 2010.

Ken said...

I like the combination of your entry, an expression through your opinion, and a poem. Pag may kilala akong magaling na singer, ipapakanta sana natin yan, hehe

Thank you for joining PEBA. You too becomes an inspiration.

kiko said...

ganda ng tula mo brader…
nakakagaan ng damdamin

More Power and God Bless…

Anonymous said...

galing! likas talaga sau ang paggawa ng tula.

Diamond R said...

Na inspire naman ako sa tula mo. Salamat ng marami. Sa mga kabayan na nasa ibang bansa saludo ako sa pagtitiis niyo.

feRry jHoi ^.^ said...

jhakie ^_^ am about to join din sana sa PEBA eh!! pero nag dalawang isip naman ako!!! hahaha

Nice post!!! I will support you on this!!! cross fingers jhakie!! lahat ng nagawa ko kasi eh nasabi mo na din!! hahaha

Anonymous said...

isa kang poet kuya! =D

nothing beats communication. true naman na hindi madali ang mabuhay ng hiwahiwalay ang family members. ang kgandahan sa mga pinoy, hahanap at hahanap ng paraan, wag lang mawala ang communication between family members. although hindi parin mapapantayan ang buo at sama samang pamilya, pinupunuan naman ito ng usual kontakan at kwentuhan.

=)

Traveliztera said...

Natural poet! Next Jose Rizal? ;)

Very inspiring yang ginawa mo... Maraming nakakarelate...

I voted for you btw... Good luck and I hope you win! :D

aajao said...

naks..level up! ang husay at galing sa puso ang post na ito. goodluck, sir!

pag nanalo ka ba ay may free ride kami ng road trip? :D

Anonymous said...

haha...ang galing mo na parang gusto k na uli gumawa ng tula ha..nabuhay ang dugo ko!!!alam ko un lng ung talent ko...hehe

Sadiemie said...

isang matulaing paglalahad ng nilalaman ng damdamin! akdang may katuturan...

Jag said...

Naks! Makapanindig....balahibo naman itong gawa mo parekoy!hehehe...

Mabuhay si MD! Mabuhay! lol...

Dahil inspiring ang gawa mo you got one vote for me. : )

Traveliztera said...

because you're such an inspiration...

may award ka from me :D it's in my latest entry! :D congrats! :D

Verna Luga said...

oo nga makatang-makata.. galing mung gumawa ng tula.... maliban sa malinaw na mensahe ...

I joined PEBA too... pwede ka ring pumasyal sa entry ko... hehehe... HERE

Axl Powerhouse Network said...

wow.. so nice entry.. so inspiring grabe :D

Nikki said...

wow. i love itt :D galing mo kuya !
goodluck !

J. Kulisap said...

Gusto ko ang malinamnam na wikang Filipino. Bulakenyong bulakenyo.
Malawak ang sinaklaw ng iyong sulatin pati na rin ang tula.

Carnation said...

sarap basahin ang tagalog...kakamiss

Jonha @ Happiness said...

You post pretty much encompasses the thoughts of many OFW's around the world and you have succinctly made your point in a clear yet artistic not to mention catchy way. Best of luck to you! :)